[Verse 1]
Huwad na liwanag, pangako ng mundo
Gintong hawlang pumipigil sa awit ng puso
Panandaliang saya, pansamantalang ginhawa,
Tagumpay na walang kinang, ito ay lilipas lang
[Verse 2]
Ang akit ng daigdig, di tutumbas sa Iyong pag-ibig,
Ipagpapalit ang lahat sa sulyap ng Iyong tinig.
Di kailangan ng ginto di kailangan ng yaman
Dahil ang tunay na saya ay sayo ko nakamtan
[Pre-Chorus]
Ang puso ko'y nagpupuri't umaawit
Sa kaligtasang totoo na saYo lang nakamit.
[Chorus]
Isang araw sa piling Mo ay higit pa sa libo,
Kapayapaan sa puso sa gitna ng takot ko.
Kahit maging bantay sa pintuan ng iyong templo
Kung ang presensya Mong banal ay mararanasan ko
[Verse 3]
Inalis mo ang hadlang papunta sa iyong trono
Inalay mong buhay, nilinis ang kasalanan ko.
Ngayon ay luluhod. sa Iyo ay sasamba
Sa iyong paanan, ako ay may pahinga
[Pre-Chorus]
Ang puso ko'y nagpupuri't umaawit
Sa kaligtasang totoo na saYo lang nakamit.
[Chorus]
Isang araw sa piling Mo ay higit pa sa libo,
Kapayapaan sa puso sa gitna ng takot ko.
Kahit maging bantay sa pintuan ng iyong templo
Kung ang presensya Mong banal ay mararanasan ko
[Bridge]
Lalakad sa ilalim ng Iyong liwanag,
Dahil Ikaw, ang aking gabay at lakas.
Sa aking buhay dalangin ko ay patnubay mo
Magbibigay ng papuri, ako ay gamitin Mo
[Chorus]
Isang araw sa piling Mo ay higit pa sa libo,
Kapayapaan sa puso sa gitna ng takot ko.
Kahit maging bantay sa pintuan ng iyong templo
Kung ang presensya Mong banal ay mararanasan ko
[Chorus]
Isang araw sa piling Mo ay higit pa sa libo,
Kapayapaan sa puso sa gitna ng takot ko.
Kahit maging bantay sa pintuan ng iyong templo
Kung ang presensya Mong banal ay mararanasan ko
No comments:
Post a Comment